“ Isang malaking pagtitipon ng mga mahahayag sa rehiyon.”
Ang Lungsod na pinamumugaran ng mga Waray ay isang daungang lungsod ng humigit-kumulang 360 milya mula sa timog-silangan ng Maynila. Ito ay ang unang sa Eastern Visayas na inuri bilang isang Highly Urbanized City o maunlad na lungsod. Ito ay ang kabisera ng Philippine lalawigan ng Leyte at ang pinakamalaking lungsod sa mga tuntunin ng populasyon [5] sa Eastern Visayas. Ito rin ay itinuturing bilang ang regional center ng Region VIII. Ang lugar na ito simula ng pamahalaang Komonwelt sa Pilipinas, mula 20 Oktubre 1944 sa 27 Pebrero 1945
Disyembre 1 ng hapon, pumaparada ang makukulay na suot ng mga kalahok galing sa iba’t-ibang debisyon sa rehiyon.Sampung debisyon na kinabibilangan ng Leyte, Southern Leyte, Ormoc City, Maasin City, Samar, Northern Samar, Eastern Samar, Biliran at Tacloban City.
Nagtataasang gusali at mga mababait na mga tao ang sumalubong sa daan ng mga kalahok sa naturang parada. Nagkaroon din ng mga paputok o firework display ng pagsapit ng gabi at nakadagdag at nakawala ng pagod sa mga panauhin.
Ito ang paghahanda sa nalalapit na patimpalak sa larangan ng pamamahayag o ang tinatawag na National Schools Press Conference na gaganapin sa darating na Pebrero sa susunod na taon.
Ang pinakamagarbong pagbubukas ng napakaprestihiyuso at pinakaunang patimpalak na pinagsanib ang elementarya at sekondaryang mamahayag, ang tinatawag na Regional Schools Press Conference 2010.
Ang nasabing patimpalak ay naglalayong hasain ang mga batang mamahayag na siyang pinagbigyang diin ng mga mananalita sa opening program na ginanap sa isang Convention Center.
http://www.answers.com/topic/special-education
Ang mga delegasyon ay kasalukuyang pinatira sa isa isa pinamalaking paaralang ng lungsod at sa isang SPED center. Dito matatagpuan ang kumikining at naggagandahang mga booth ng bawat debisyon.
“Napakaganda ng kanilang mga pasilidad, mas comportable ako dito” sabi ni G. Antonio Dacatimbang Jr, isang guro.Ang lungsod na ito ay nagsikap upang
mabigyan ng mabuting pagtira ang mga kalahok at bigyan ng kasiyahan ang mga mamahayag at mga advisers.