Yan ang panukala ng Kagawaran ng Edukasyon kamakailan. Bilang isang mag-aaral, masasabi ko bang nakakabuti ito sa akin?. Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na taon ng ako'y nasanay na sa mga ganitong gawain tuwing sabado at linggo. Kung aking iisipin ng husto ay mahihinuha ko na ang paraang ito ay nakakapagtamad at ayon nga sa Manila Bulletin, isang dyaryo,ito ay naglilimita sa oras ng pagtututo ng isang mag-aaral at sumisira sa malayang pag-aaral.
Ayon din sa pahayag ni Ronelo Al Firmo, superitendente ng debisyon ng Tacloban sa Bombo Radyo,
"Kinahanglan la guihapon maghatag hin mga assignments an mga magturutdo pero dire damu ngan eksakto la nga maakos han estudyante."
Ako mismo ay sumang-ayon sa kanyang sinabi na sa halip na hindi bigyan ng takdang aralin ay mas mabuti pang iklian na lang ang mga ito. Hindi ko dapit pagsamantalahan ang pagkakataon ito sapagkat ang pag-asa ko rin naman ang pinag-uusapan dito.Kahit sa simpleng gawain na ito, nakakatutulong ito sa paghubog ng aking moral sa paggawa.
Ako, tayong mag-aaral ay dapat maging masipag sa ating pag-aaral at masisimula ito sa pamamagitan ng simpleng paggawa ng takdang aralin. Ito ay nakauunlad ng ating nalalaman sa buong linggong pakikinig sa mga leksyon ng ating mga guro. Nakapaloob sa My-Inspirational Quotes #8 na ang mag-aaral na masipag ay gustong matuto habang kaya pa at ang tamad ay kung kinakailangan na nila. Saan ka kaya nabibilang?
Panoorin niyo ito,
Makikita natin sa balitang ito na ang panukalang ito ng kagawaran ay hindi talaga nagdudulot ng kabutihan sa mga mag-aaral magulang at kahit sa mga guro na tumatayo na ring pangalawang magulang ng mga bata. Ako din ay sang-ayon sa kanilang mga reaksyon dahil nahihinuha ko na ang kapakanan din namin ang kanilang iniisip. Ayon nga sa mga responde, mahalaga ang takdang aralin sapagkat ito ay naghihikayat sa mga estudyante na mag-aral tuwing kataposan ng Linggo.
Bilang pagtulong ay aking ipahayag sa inyo na ang mga ito ay mahalaga para sa magandang kinabukasan ng isang mag-aaral. Hindi dapat tayo masanay sa pagiging tamad at maging masaya sa panukalang ito sapagkat sa likod nito, merong nakatagong masamang epekto ito para sa atin. Kaya sama-sama tayong mag-aral ng mabuti gaya nga ng sinabi ni Gat. Jose Rizal , " Ang kabataan ay pag-asa ng bayan."
At sa pagtatapos ng aking artikulo ay gusto kung panoorin niyo ang aking huling palabas para malaman at matanto sa ating isipan kung ano ba ang mga estudyante ngayon at halip ay ito'y magdudulot sa atin ng pag-babago. Maging responsable at masipag na mag-aaral tayo!
Pinagkunan:
http://www.mb.com.ph/node/278474/nohomework-policy-not
www.bomboradyo.com/index.php/news/regional-news/waray/22177-no-homework-policy-han-deped-kada-weekend-mahugot-nga-igpapatuman
http://www.my-inspirational-quotes.com/category/quotes-for-students/
http://www.youtube.com/watch?v=LQAYZnQ1DGA
No comments:
Post a Comment